Makaahon Sa Kahirapan Essay

“Ang pinakamabuting programa kontra kahirapan ay isang primera klaseng edukasyon.” – Barack Obama

Sina Nelson Mandela, George H.W. Bush at Barack Obama ay iilan lamang sa mga tanyag na personalidad sa buong mundo na naniniwala na ang edukasyon ay ang pinakamainam na sandata laban sa kahirapan, kamangmangan at terorismo. Ngunit ang kagila-gilalas na gastos sa edukasyon ay isa sa mga matitinding hadlang para malagpasan ng mga Pilipino ang kahirapan.

Batay sa pagsisiyasat ng Philippine Statistics Authority, isa sa bawat sampung Pilipinong kabataan na may edad anim hanggang 24 ay nagiging out-of-school youth. Sa katunayan, ipinakita ng 2016 Annual Poverty Indicators Survey (APIS) na may tinatayang 3.8 milyong out-of-school youth sa bansa o halos sampung porsiyento ng 39 milyong kabataang Pilipino na nasa edad anim hanggang 24.

Sa kabuuang datos, 7.3 porsiyento ng mga out-of-school youth ay nasa edad 16 hanggang 24, 7.7 porsiyento naman ay nasa edad 12 hanggang 15 at limang porsiyento ay nasa edad anim hanggang 11. Ayon sa APIS, karamihan sa proporsyon ng mga out-of-school youth ay kababaihan.

Ang Ipinanukalang Budget ng 2018

Ang panukalang P3.767 trilyon na pambansang budget para sa taong 2018 ay naglalayong maibsan ang kahirapan sa bansa sa pamamagitan ng pagpapabuti ng edukasyon at pangangalagang pangkalusugan, at pagpapalakas ng paggawa at pagtatrabaho, at ng Conditional Cash Transfer Program (CCT). Batay sa ulat ng GMA News, ang mga ito ay binanggit ng tagapangulo ng House Committee on Appropriations na si Karlo Nograles sa kanyang talumpati noong Setyembre 4 para sa House Bill 6251 o ang “2018 General Appropriations Bill.”

Idinagdag ni Nograles na ang naturang budget ay siyang tutugon sa matagal na problema sa kahirapan at hindi pagkakapantay-pantay sa bansa. Binigyang-diin din ng tagapangulo na tinaasan ang inilaang budget para sa edukasyon mula sa P41.7 bilyon noong 2016. Sa katunayan, ang kasalukuyang budget ay P691.1 bilyon para sa taong 2018.

Sa kanyang talumpati, ipinaliwanag rin ni Nograles kung saan mapupunta ang inilaang budget sa Kagawaran ng Edukasyon. Ang P613.1 bilyon ay mapupunta sa kagawaran para sa higit na pangangailangan sa pagpapatayo ng 47,000 na mga silid-aralan, pagpapaayos at rehabilitasyon ng 18,000 na mga silid-aralan, pagbili ng 84,781 na mga upuan para gamitin sa paaralan at sa paglikha ng 81,100 mga posisyon sa pagtuturo.

Ang ipinanukalang budget ng 2018 ay naglalayon ring palawakin ang pag-access ng mga estudyante sa mas mataas na edukasyon. Ito ay sa pamamagitan ng mga karagdagang tulong mula sa pamahalaan at mga subsidyo sa mga mag-aaral at guro, pagpapatupad ng Unified Financial Assistance System, at pagbibigay ng pinansiyal na tulong sa mga estudyante sa kolehiyo sa pamamagitan ng Tulong Dunong Program ng Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon na nagkakahalaga ng P4.8 bilyon.

Libreng Pangmatrikula sa Kolehiyo

Bukod sa karagdagang budget sa apat na pangunahing departamento sa ating sistemang pangedukasyon, pinirmahan din ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “Universal Access to Quality Tertiary Education Act.”

Ito ay naglalayong magbigay ng libreng pangmatrikula sa mga estudyanteng nag-aaral sa mga pampublikong at local na pamantasan at kolehiyo, at sa mga teknikal at bokasyonal na mga institusyon.

Dahil sa programang ito, ang Pilipinas ay isa sa walong bansa sa mundo na nagbibigay ng libreng edukasyon sa kolehiyo, ayon sa ulat ng Manila Bulletin. Ngunit karamihan sa mga bansa, kabilang ang Estados Unidos, ay nagbibigay ng libreng edukasyon hanggang hayskul lamang.

Kahirapan at terorismo

Hindi makakaila na lahat tayo ay nagulat matapos sumiklab ang kaguluhan sa Marawi nang lusubin ng mga rebeldeng Maute ang lungsod. Ngunit dahil sa kaguluhang ito, maraming kabataan ang hinimok ng mga rebeldeng grupo na may kauugnayan sa teroristang pangkat na ISIS na sumama sa kanila kapalit ng malaking pera at ng pangakong paraiso.

Dahil sa labis na kahirapan sa lugar, madaling nahihimok ng mga rebelde ang mga kabataan at ayon kay Rommel Banlaoi, tagapamahala ng Philippine Institute for Peace, Violence and Terrorism (PIPVTR), ang mga banyagang rekruter ay matagal nang aktibo sa paghahanap ng mga kasapi sa Mindanao. Ngunit dahil sa paglusob ng Maute at malakas na propaganda ng mga militanteng grupo, naging mabilis ang pagdami ng mga sumasapi rito.

Sa katunayan, ang mga paaralan at daycare centers ay kinilalang mga “recruiting grounds.” At dahil ang mga terorista ay maraming pera, madali nilang nabubulag ang mga kabataan sa mga pangakong magandang buhay o kinabukasan, iniulat ng ABS-CBN News.

Halaga ng Edukasyon

Sa loob ng maraming taon, tayo ay pinapaalalahanan ng ating mga bayani at ilang sikat na personalidad na ang edukasyon ay mahalaga sa ating buhay. Ang kaalaman at karunungan na nakukuha sa pag-aaral ay nakakatulong sa pagbubukas ng maraming pagkakataon para mapaunlad ang ating buhay. Ito rin ay isang susi rin para sa tagumpay.

Kahit na ito ay magastos at may mga pagsubok na kailangan lampasan, ang edukasyon ay may mahalagang papel na ginagampanan para sa paghubog ng mga lider nang hinaharap. Sa pamamagitan ng edukasyon, maaari din tayo maging mas mabuting bansa dahil sa pagkakaroon ng mga kasanayan na kinakailangan upang maging produktibong miyembro ng isang sibilisadong lipunan.

Ang ating mundong ginagalawan ay patuloy na nagbabago at nangangailangan ng mga mamamayan na lubos na bihasa sa pag-unawa sa mga problema na nagmumula sa mga pagkakaiba sa kultura at pagpapahintulot sa mga paniniwala at pananaw ng isa’t isa. Tayo ay humaharap rin sa mga sistematikong problema sa mga pagkakaiba sa edukasyon, ekonomiya, pamahalaan, relihiyon at kultura.

Kaya naman kailangan nating dagdagan ang ating kaalaman upang aktibong makamit at matugunan ang mga hamon na makakapagdulot ng mga pagbabago sa ating buhay. Binigyang-diin rin ng The Manila Times ang kahalagahan ng edukasyon sa paglaban sa kamangmangan at kahirapan.

Sa isang halimbawa na tinukoy sa sanaysay ni Tita Valderama, sinabi niya na may isang guro na nagsabi na maaaring makaahon ang mga Pilipinong magsasaka kung sila ay may pinag-aralan. Ayon sa guro, ang mga magsasaka sa bansang Thailand at South Korea ay hindi mahihirap dahil sila ay may pinag-aralan at sila ay mayroong tunay at matibay na reporma sa lupa.

Habang ang mga Pilipinong magsasaka ay madaling maudyok ng mga lider na maghimagsik o makikibaka sa pamamagitan ng pagprotesta sa mga lansangan na kadalasan ay nauuwi sa mga karahasan. At ito ay dahil sa kakulangan sa kaalaman o edukasyon.

Minsang nang sinabi ng namayapang pangulo ng South Africa na si Nelson Mandela na ang edukasyon ay isang makapangyarihang sandal na maaaring gamitin sa pagbabago ng mundo. Ito rin ay isang mahalagang pundasyon ng isang bansang may kapayapaan at kasaganaan. Higit sa lahat, ang edukasyon ay isang paraan para mabuwag ang siklo ng kahirapan.

Kaya naman nararapat lang na bigyan ng pansin ng pamahalaan ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Dahil ang edukasyon ay maituturing isang “investment,” kailangan rin na magkaroon ng mga programa para sa abot-kayang edukasyon.

Maraming mga mahihirap na kabataan ay patuloy na lumalaban at nag-aaral nang mabuti para makaahon sa buhay. Tandaan, ang kahirapan ay hindi dahilan para hindi natin makamit ang pinapangarap o inaasam na tagumpay at huwag nating hayaan na ito ay maging hadlang sa ating kagustuhan na makapag-aral.

 

SOURCES:

http://news.mb.com.ph/2017/10/01/funding-the-free-college-tuition-bill/

http://www.manilatimes.net/fighting-ignorance-poverty-education/347171/

http://www.sunstar.com.ph/cebu/lifestyle/2017/09/30/good-taste-thirst-knowledge-566959

http://news.abs-cbn.com/focus/09/21/17/islamists-lure-youngsters-in-the-philippines-with-payments-promise-of-paradise

http://www.gmanetwork.com/news/news/nation/624394/p3-8-t-2018-budget-aims-to-alleviate-poverty-via-education-healthcare/story/

http://www.sunstar.com.ph/manila/local-news/2017/06/14/38m-out-school-children-youth-ph-survey-547399

Related

Kristine Joyce M Belonio

Kristine Belonio is a registered medical laboratory scientist and DOH-trained screening drug test analyst who hopes for a drug-free Philippines. And though she loves to do all the “bloody” work and analyze other bodily fluids, she’s also an aspiring journalist with a thorough know-how on the rudiments of news, feature and editorial writing.

Latest posts by Kristine Joyce M Belonio (see all)

Kristine Joyce M Belonio

Kristine Belonio is a registered medical laboratory scientist and DOH-trained screening drug test analyst who hopes for a drug-free Philippines. And though she loves to do all the “bloody” work and analyze other bodily fluids, she’s also an aspiring journalist with a thorough know-how on the rudiments of news, feature and editorial writing.

Pagpapahalaga sa edukasyon ng mga kabataan ang susi para makaahon ang Piliipnas sa kahirapan.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ,ang tamang edukasyon ay daan upang magkaroon ng maayos na pamumuhay ang mga kabataan at kanilang pamilya.

Inihayag ng Obispo na matutupad lamang ito kung matitiyak ng mga opisyal ng pamahalaan na magkaroon ng oprtunidad ang lahat ng mga kabataan sa quality education.

“Give more attention and focus on education. Education is key to success. Education is sure way to better life. See to it that every child can avail themselves to education” pahayag ng Obispo sa panayam ng Radio Veritas

Bukod dito, iginiit ng Obispo na nararapat bumuo ng disente at permanenteng trabaho sa bansa at tuluyan ng wakasan ang ENDO o kontraktuwalisasyon sa bansa.

“Second, create jobs, jobs which are stable, decent and permanent. Implement ENDO.”

At higit sa lahat, binigyan diin ng Obispo ang seryosong paglaban ng pamahalaan sa katiwalian at pagparusa sa mga tiwaling opsiyal.

Sinabi ng Obispo na ang pagnanakaw sa kaban ng bayan ay pagpapakita ng kasakiman ng isang opisyal ng pamahalaan na pumipigil sa pag-angat ng pamumuhay ng sambayanan,

“Lastly, get rid of corruption. And prosecute swiftly and punish severely corrupt officials. Corruption is selfishness. It is stealing. It is grievous sin.”

Iginiit ni Bishop Santos ang tungkulin ng pamahalaan na mabago at mapaunlad ang buhay ng bawat Filipino.

“Our mandate is to improve life, uplift the standard of living, to make them safe and secured in life.”pahayag ng Obispo sa panayam ng Radio Veritas.

Ito ang naging pahayag ng Obispo matapos ang survey ng Social Weather Station na tumaas pa ng 44-porsiyento ang bilang ng mga mahihirap mula 2014 hanggang fourth quarter ng taong 2016 na kumakatawan sa 50-porsiyento ng pamilyang Filipino na may kabuuang 11.5-milyong pamilya.

0 Thoughts to “Makaahon Sa Kahirapan Essay

Leave a comment

L'indirizzo email non verrà pubblicato. I campi obbligatori sono contrassegnati *